JayaBILANG bagong Kapamilya, visible na rin si Jaya sa It’s Showtime bilang isa sa judges ng “Tawag ng Tanghalan”.

Anak si Jaya ng yumaong beteranang comedienne-singer na si Elizabeth Ramsey at saan man siya magpunta, lagi niyang sinasabi na nami-miss pa rin niya ang kanyang ina.

“Yeah, I really miss her because now is really the time when I wanted her to be with me. Marami kaming puwedeng gawin sa pagbabago ko ngayon,” ani Jaya nang humarap sa kanyang pocket presscon.

Nararamdaman niya na masaya rin ang kanyang dearest mom sa desisyon niyang paglipat from Kapuso to Kapamilya Network.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“So talagang feeling ko nagtutumalon ‘yun sa Itaas dahil ‘yung mga ‘kinulit niya sa akin noon parang ngayon lang nangyayari for me,” sabi pa ng Queen of Soul.

Noong nabubuhay pa si Aling Elizabeth, pinupursige siya nitong mag-ober da bakod sa ABS-CBN.

“Si Mama talaga ‘yung dati, dati, dati pa na makulit na, ‘’Day, kelan ka mag-ABS, ‘day?’ ‘Eh hindi nga puwedeng mag-ABS kasi GMA nga, di ba?’ So, siya ‘yung laging makulit,” kuwento ni Jaya.

Matatandaan na sa ABS-CBN unang nagtrabaho si Elizabeth Ramsey.

“Kasi ang kuwento niya, ‘Day, nagsimula ako sa ABS.’ Meron silang show noon, eh, na comedy. So doon daw talaga siya nagsimula, so kailangan daw talaga nandoon na ‘ko.”

Ang tinukoy ng kanyang mama ay ang variety show ng ABS-CBN noon na Student Canteen na isa ito sa mga nanalo sa singing contest.

Kinilala nang official Kapamilya si Jaya nang mapasama siya sa It’s Showtime. Inaabangan din ng kanyang fans kung magiging regular din siya sa ASAP.

“To join ASAP soon? We’re waiting for them. Parang may niluluto sila, eh,” ani Jaya.

Hindi naman daw siya nagmamadali na mapasama sa Kapamilya Sunday show.

“We’re going to have many, many days with ABS,” aniya. “I think we’re just waiting for them to present kung ano ang gagawin namin talaga. And from there, we’ll let everybody know. Nagpo-post naman ako lagi,” pahayag pa niya. —Ador Saluta