MAJA copy copy

TOTOO ang balitang wala na si Maja Salvador sa Ang Probinsyano at ang aktres mismo ang nagkumpirma nito sa kanyang huling post sa Instagram. 

Maganda ang ginawa ni Maja para wala nang magtatanong at maiiwasan ang samaan ng loob dahil may mga nag-react nang masulat ang pagkawala niya sa teleserye.

Ito ang post ni Maja: 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Salamat Ang Probinsyano Family

Thank you sa Staff and Crew

Thank you Direk Malu

Thank you Direk Avel

Thank you Direk Toto

Thank you Dreamscape

Thank you Sir Deo

Thank you Coco

Thank you Cocojams mahal ko kayo

Salamat sa suporta n’yo at sa grabeng pagmamahal sa amin ni Coco.

This is SPO1 Glenda Corpuz signing off.”

Sa last na pagbisita namin sa IG ni Maja, umabot na sa 35.7 thousand ang likes at may 1,419 comments sa post niya.

Karamihan sa comments, nalulungkot na wala na siya sa teleserye.

May mga umaasa na muli silang magtatambal ni Coco Martin sa mga susunod na project. Pero mukhang matatagalan pa ang pagsasama ng dalawa sa TV dahil ang balita, hanggang 2017 pa ang FPJ’s Ang Probinsyano. (NITZ MIRALLES)