Pinalitan ni dating PBA Most Valuable Player Willie Miller si Filipino-American star Robbie Herndon bilang pambato ng Pilipinas sa gaganaping ‘King of the Rock’ World Championship sa Serbia.

Ginapi ni Herndon si Miller sa National Finals noong Hunyo, ngunit napilitan ang organizer na ibigay ang karapatan na lumaro sa World tilt ang 6-foot-1 gurd na si Miller matapos umatras ang una dahil sa pagnanais na lumahok sa PBA Rookie Draft.

Naglaro si Herndon sa NCAA Division II San Francisco State University, bago sumabak sa PBA D-League. Nakiensayo rin siya sa Rain or Shine, Alaska at Mahindra sa PBA.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA