MELAI KARLA JOLINA copy copy

NALULUNGKOT si Jolina Magdangal sa sitwasyon sa married life ng kasamahan nila ni Karla Estrada sa morning show na Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.

Pero naniniwala siya na maaayos pa rin nina Melai at Jason Francisco ang anumang hindi nila napagkasunduan na humantong sa paghihiwalay.

Gayunpaman, bumilib si Jolina sa pagdadala ni Melai sa problema. Hindi raw nila nakikita kay Melai ang pagiging apektado lalung-lalo na kapag nakasalang na sa show nila.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Para siyang isang superhero dahil sa kabila ng matinding pinagdadaanan, nananatili siyang professional sa trabaho na kahit sa taping namin o sa live show ng Magandang Buhay, eh, hindi naman nahahalatang may ganu’n siyang dinaramdam,” kuwento ni Jolens.

Alive na alive pa rin daw sa harap ng kamera si Melai, bagamat nararamdaman nila ang kalungkutan nito kapag breaktime at off-cam na.

Naniniwala si Jolens na dahil sa barkadahan nilang tatlo at sa madalas na mga pag-uusap na may kasamang mga pangaral sa bawat isa ay mas tumapang sa buhay si Melai.

Samantala, kinumusta rin namin kay Jolina ang mahigit sa tatlong taon nang married life nila ni Mark Escueta. Aniya, masaya sila at ang laging bukas na komunikasyon nila ang dahilan ng pananatili ng sweetness nila sa isat isa.

Kahit malilit na bagay-bagay lang ay nagiging topic ng mga pag-uusap nila.

“Pinag-uusapan din naman namin ang mga ganyan kahit na ‘yung mga nangyayari sa mga kaibigan ko. Naging topic din naman namin ang mga ganyan. Kumbaga, kung sa amin kaya mangyari ang ganyan, eh, ano ang gagawin namin, di ba?”

kuwento ni Jolens. (Jimi Escala)