Patay ang umano’y drug pusher matapos pagbabarilin ng dalawang gunman na nakasuot umano ng maskara at jacket sa loob mismo ng kanyang tirahan sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

“Pusher ako, wag niyo tularan” ito ang mga katagang nakalagay sa karatulang iniwan sa tabi ng bangkay ni Arthuro Custodio Jr. alyas “Melles”, binata, ng No.58 Sinco De Junio St., Sun Valley, sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki ang biktima.

Mabilis umanong tumakas ang mga suspek na bitbit ang baril na ginamit sa krimen. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20