Ni NORA CALDERON

Marian RiveraISANG magandang feature article sa Gazette Review, isang American-based online media company, ang natanggap ni Marian Rivera.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, tinanggap ni Marian ang unang Hall of Fame awards mula sa FHM Sexiest Woman 2016.

Kinilala si Marian bilang pinakamagandang artistang Pilipina sa feature article na inilabas ng Gazette Review. Ayon sa article, “most in demand celebrity endorser in the country and is a frequent face on many magazine covers” si Mrs. Dingdong Dantes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nanguna si Marian sa listahan na kinabibilangan ng iba pang mga artista tulad nina KC Concepcion, Maja Salvador, Angel Locsin at Anne Curtis.

Samantala, puring-puri ng netizens ang kagandahan ni Marian bilang si Ynang Reyna Mine-a sa epic serye na Encantadia. Kahit daw halos walang make-up, kahit umiiyak, iba talaga ang beauty ni Marian. May nagbiro nga na mabuti na lamang magaganda ring lahat ang mga gumanap na mga anak ni Marian, sina Sang’gre Amihan (Kylie Padilla), Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez) at Alena (Gabbi Garcia).

Very thankful si Marian sa magagandang feedback na natatanggap niya at ng mga anak niyang Sang’gre gabi-gabi. Napapanood ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras. Tatagal ang epic serye hanggang Disyembre o baka lumampas pa.