lalaki na tumanggi umanong magpa-confine, dahil sa kawalan ng pera, ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang tagpi-tagping bahay, sa tabi ng isang paaralan, sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Eddie Laruga, tinatayang nasa edad 40, tubong Atimonan, Quezon, at naninirahan sa isang barung-barong na itinirik sa bakanteng lote sa tabi ng J. Luna Elementary School, sa G. Tolentino St., Sampaloc.

Sa ulat ni PO3 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Person Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 6:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang tirahan.

Sa salaysay ni Barangay chairman Restituto Pineda ng Barangay 397, Zone 41, District 4, bago mamatay si Laruga ay nagpa-check up pa umano ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa iniindang tuberculosis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinayuhan naman ito ng mga doktor na magpa-confine sa San Lazaro Hospital upang malunasan ang karamdaman ngunit tumanggi ito dahil sa kawalan ng pera at umalis na lamang sa nasabing pagamutan nang walang paalam.

Huli umanong nakita ang biktima ng kanyang kinakasama na si Felesita Ibanes, dakong 4:00 ng madaling araw habang naliligo sa harapan ng kanilang barung-barong.

Nagulat na lang umano si Ibanes na makalipas ang dalawang oras ay nakabulagta na lamang sa semento si Laruga.

(Mary Ann Santiago)