BAUAN, Batangas - Isang umano’y big-time na tulak ng droga ang napatay matapos pagbabarilin ng isang lalaking naka-bonnet sa Bauan, Batangas, kahapon.

Dead on arrival sa Bauan General Hospital ang biktimang si Regie Suanque, at inaalam na kung sino ang suspek.

Ayon sa inisyal na report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:00 ng umaga at sakay sa motorsiklo (1632-DI) ang biktima nang pagbabarilin sa Don Quintin Castillo Street, Barangay Poblacion.

Bago pa lamang umanong natukoy na big-time pusher si Suanque at hindi pa napapabilang sa drug watchlist, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?