Isang lalaking nag-amok at walang habas na namaril sa harapan ng isang kainan ang napatay ng mga rumespondeng pulis sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang suspek na si Randy Flores, 29, residente ng 840 Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 1:00 ng madaling araw naganap ang insidente sa likuran ng Philippine Rabbit Terminal sa Oroquieta St., Sta. Cruz.

Nauna rito, lulan ng Mobile Car 384 sina PO1 Wilson Panganiban, PO1 Eric Reyrata at PO1 Glenn George Mendoza ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP), nang makatanggap sila ng ulat na may isang lalaking nagwawala at namamaril sa harapan ng In and Out Restaurant na matatagpuan sa Rizal Avenue, sa kanto ng Claro M. Recto Avenue.

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list

Tangkang lalapitan ng mga pulis ang suspek nang bigla umano sila nitong salubungin ng putok ng baril at dito na napilitang magpaputok ang mga pulis.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 na ginamit umano nito sa pag-aamok. (Mary Ann Santiago)