HOT copy ngayon sa Kapuso viewers ang real life sweethearts na sina Aicelle Santos at Mark Zambrado dahil marami ang kinikilig sa kanilang love story.

Kaya ngayong gabi, love is in the air again sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) at iinterbyuhin sila ni Arnold Clavio.

Parehong proud Kapuso sina Mark at Aicelle. Si Mark, news reporter na, bae pa. Si Aicelle naman, singer at theatre actress.

Sa kanilang fans online, hit na hit din ang hashtag na #AiMark. Alamin kung paano nagsimula ang kanilang love story dahil ito ang uusisain ni Igan sa pamamagitan ng “Insta-truth” na hahalukayin ang kanilang sweet moments na naka-post sa kani-kaniyang social media account.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Pahahangain din ni Aicelle ang mga manonood sa kanyang napakagandang tinig. Ilang Aegis songs ang kanyang aawitin. At ibabahagi rin niya ang mga kantang dedicated niya para sa kanyang mahal na si Mark.

Isasalang din sila ni Igan sa compatibility test na susubok kung gaano nila kakilala ang isa’t isa. Ano kaya ang paboritong sports ni Mark? Ano ang paboritong pagkain at dream destination ni Aicelle?

At huling-huli rin ni Igan ang candid sweet moments ng dalawa sa harap at likod ng camera.

Huwag palampasin ang nakaka-in love na kwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio mamayang 10:15 PM sa GMA News TV.