April 12, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chie Filomeno, nag-alok ng shot puno; sey ng netizen, 'Hubadera na uli!'

Chie Filomeno, nag-alok ng shot puno; sey ng netizen, 'Hubadera na uli!'
Photo courtesy: Chie Filomeno/IG

Umani ng reaksiyon at komento sa social media ang photos ni Kapamilya actress Chie Filomeno habang nasa isang beach siya at naka-swimsuit, na ibinahagi niya noong Lunes, Abril 6.

Sa larawan, makikitang tila may hawak siyang baso, kaya ang caption niya ay "shot puno?"

Hindi naman tinukoy ni Chie kung sino ang "photographer" niya, o kung sino ang kasama niya sa nabanggit na beach get-away.

Pero isang netizen ang nagkomentong tila nasa "hubadera era" daw ulit si Chie.

"Hubadera na uli," saad ng netizen.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, dinepensahan si Sarah Lahbati sa paglalako ng mga gamit

Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno/IG

Pero mismong kapwa netizens na rin ang bumarag sa kaniya at rumesbak para sa aktres.

"eh ano naman sayo"

"May right nmn kasi maganda ang katawan."

"syempre ganda nang katawan bkit ba"

"dapat ba naka gown pag mag swimming?"

"luh, ignorante lang ang peg? Nakaswimsuit lang, hubad na?"

"Ano ba dapat ang suot pag nasa beach? Gusto mo mag gown siya? My God. Feeling relevant, unnecessary toxicity."

"ano isuot niya pag nasa beach or island hopping? Gusto mo naka pang tulog sha ganon. Yang suot niya normal na normal kung saan ang location niya."

Matapos kuyugin, nagawa pang depensahan ng netizen ang kaniyang nasabi.

"observation lang naman, draw your own conclusions na lang."

"siempre kailangan i-market ang sarili," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno/IG

Hindi naman sumagot si Chie o nakisali sa bardagulan sa kaniyang comment section.

Matatandaang kamakailan lamang, inintriga ng mga netizen na tila hindi na nagpo-post si Chie na kasama niya ang rumored partner na si Matthew Lhuillier, na nagbigay ng espekulasyong baka hiwalay na raw sila.

Maki-Balita: Sofia Andres, nagpasaring sa Chie Filomeno-Matthew Lhuillier break-up tsika?

Wala pang kumpirmasyon mula kina Chie o Matthew ang tungkol dito.