Usap-usapan ng mga netizen ang latest TikTok post ng Kapamilya actress na si Sofia Andres, na tila patama raw sa napababalitang hiwalayan ng kapwa Kapamilya actress na si Chie Filomeno at negosyanteng si Matthew Lhuillier.
Matatandaang sa kasagsagan ng pagkaka-link ni Chie kay Matthew at hiwalayan naman nila ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, naging usap-usapan ang tila iringan sa pagitan nina Sofia at Chie, sa pamamagitan ng kani-kanilang social media posts.
Si Matthew ay pinsan ni Daniel Miranda, na partner naman ni Sofia at ama ng kaniyang anak na babae na si Zoe.
Friends sina Sofia at Chie, ngunit nagbago ang kanilang samahan kalaunan. Noong Oktubre 2025, lumabas ang balitang tila may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa, lalo na nang sabihin ni Chie na hindi na niya makita ang Instagram account ni Sofia dahil umano, naka-block na siya rito.
Maki-Balita: Chie, nagpasaring sa mga 'nangingialam' ng pribadong buhay ng iba
Maki-Balita: Pasabog ni Chie: 'Sofia,' nagbabayad ng influencers para siraan siya
Kamakailan lamang, naging pinagtsismisan ng mga netizen ang posibilidad na baka hiwalay na raw sina Chie at Matthew dahil madalang na raw mag-post ang aktres ng mga updates tungkol sa kanilang dalawa, at balik na rin daw sa pagpo-post ng sexy photos ang aktres, na medyo nahinto raw nang maging sila ni Matthew.
Kaya inuurirat ng mga netizen si Chie kung kumusta na ba sila ng negosyanteng anak ng isa sa mga pinakamayayamang angkan sa Cebu.
Sa TikTok post ni Sofia, mababasa ang simpleng caption na "Oh u know" habang nagmumuwestra siya ng "five" sa kamay niya. Ginamit niya ang trend na Headlock X Jinx from Arcane na background music.
Sa comment section, may mga nag-mention at nag-atg pa kay Chie Filomeno at tila sinasabing parinig daw ito sa break-up issue.
May mga nag-interpret kasi na ang iminumuwestrang five ni Sofia sa kamay niya ay katumbas ng five months na umano'y itinagal lamang ng dating stage nina Chie at Matthew.
Nakadagdag pa rito ang naging post ng social media personality na si Xian Gaza.
"Puros negative na lang yung mga balita around the world kaya heto good news muna tayo mga mars... Chie Filomeno at Matt Lhuillier, hiwalay na! Jake Cuenca, nagpainom sa BGC!" mababasa sa post niya noong Marso 12.
Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng TikTok post ni Sofia.
"Anong connection ang post ni Sofia sa kay chie???"
"Hahaha ayn na sya spill the tea madams"
"kaya pala parang bumalik sa dati awrahan ni chie"
"Y'all forgot, Sofia can sense energy and see auras."
Samantala, napakomento naman si Sofia sa sariling post dahil dito.
"Omg!!! What is going on!!!!" aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Sofia Andres (TikTok)
Pero dinumog din siya ng mga netizen at kinomentuhang tila "painosente" siya.
"I don’t know you tell me"
"As if she didnt know haha"
"OMG Pa-inosente pero gustong-gusto naman yong nagyayari at nababasa sa comment section."
"Go girl splooook muna yan"
"tell us???? hahahha lumabas sa fyp koooo"
Samantala, hindi naman tumugon si Sofia sa mga pang-uurirat ng netizens at pagkumpirma kung talaga bang para sa nabanggit na break-up rumors ang post niya.
Wala pa ring reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito sina Chie at Matthew.
Maki-Balita: ‘Chie-buana Lhuillier?’ Chie inenjoy maneho ni Matthew, netizens nag-react