NGAYONG Miyerkules, kukumustahin ni Rhea Santos si Andrea del Rosario at itatampok sa Tunay na Buhay.

 

Una siyang nakilala bilang miyembro ng dating all-girl sexy group na Viva Hot Babes. Ilang mapupusok na pelikula rin ang kanyang pinagbidahan noon. Pero ngayon, mas seryosong papel na ang kanyang ginagampanan.

 

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Bukod sa pagiging single mom at may-ari ng restaurant, kamakailan ay nanalo rin siya bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas. Paano nga ba niya napagsasabay ang mga tungkuling ito?

 

Alamin ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Andrea del Rosario ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.