Shannen copy copy

NAKAGUGULAT ang balita ni Shannen Doherty tungkol sa pakikipaglaban niya sa breast cancer.

Sa isang exclusive sit-down sa ET, ibinunyag ng 45-year-old actress na kumalat na ang kanyang cancer.

“I had breast cancer that spread to the lymph nodes, and from one of my surgeries we discovered that some of the cancer cells might have actually gone out of the lymph nodes,” sabi ni Doherty kay Jennifer Peros ng ET. “So for that reason, we are doing chemo, and then after chemo, I’ll do radiation.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinunyag din ni Doherty na sumailalim siya sa mastectomy noong Mayo at muli siyang naghahanda sa pinakamahirap na bahagi ng pakikipaglaban sa cancer.

“The unknown is always the scariest part,” aniya. “Is the chemo going to work? Is the radiation going to work? You know, am I going to have to go through this again, or am I going to get secondary cancer? Everything else is manageable. Pain is manageable, you know living without a breast is manageable, it’s the worry of your future and how your future is going to affect the people that you love.”

Ngunit buung-buo naman ang malakas na suporta kay Doherty ng kanyang team of doctors, kabilang ang surgeon na nagsagawa ng mastectomy sa kanya.

“He didn’t want me to wake up with absolutely nothing,” pagbabalik-tanaw niya. “It was very important to him that I didn’t have that experience, and so, he put an expander in, so I have a tiny something there. It’s cute and sometimes we fill it up and make it bigger, and sometimes we reduce it.”

“I’m being so personal right now,”aniya. “But I think a lot of women can probably go, ‘Yeah, I’ve been through that.’

It’s great though, you get to pick out what size you want.”

Gayunman, naging emosyonal pa rin si Doherty sa pagsusuot niya ng bagong bra.

“It was traumatic and horrible, and I didn’t think anything of it at the time, then my mom went with me and I broke down crying in the dressing room and ran out,” pagbabalik-tanaw pa niya, pero ngayon ay nagagawa na niyang pagtawanan ito. “And then sat in the car crying.”

Nadiskubre na may breast cancer si Doherty noong Pebrero 2015, at sumailalim sa tatlo sa walong rounds na chemotherapy sa kanya. Isa sa mas mahirap na naranasan niya ay ang pagkawala ng kanyang iconic hair – ang long dark locks at blunt bangs na inalagaan niya simula noong mga panahon niya bilang si Brenda Walsh.

Sa kabutihang palad, buo ang suporta sa Beverly Hills 90210 star ng kanyang ina, best friends, at asawa sa loob ng limang taon na si Kurt Iswarienko. Dahil sa kanilang tulong, ang heartbreaking moment ay nagiging inspirasyon lalo na nang magbahagi siya ng litrato ng kanyang sarili na kinakalbo ang ulo nitong nakaraang buwan.

“After my second treatment, my hair was really matted, like in dreadlocks. And I went to try and brush it out, and it just fell out,” aniya. “I just remember holding onto huge clumps of my hair in my hands, and just running to my mom crying, like, ‘My hair, my hair, my hair, my hair.’” (ET Online)