KAYCE JOROSS AT KAT copy copy

“HINDI!” ang sure na sure pero natatawang sagot ni Joross Gamboa nang tanungin kung sa personal na buhay ay magiging naughty ba siya at titingin sa ibang babae, tulad ng role niya sa Juan Happy Love Story ng GMA-7?

“Paano po ako titingin sa ibang babae kung ang pinakasalan ko ay ang pinakamagandang babae para sa akin, si Katz Quiboloy. Mahal na mahal ko siya at ang anak naming si Jayce Kyler who will turn one year old na sa October 9. Gusto ko na ngang sundan namin si Jayce kaya lang ayaw pa ni Katz.”

Enjoy na enjoy kasi si Joross sa role niya bilang naughty, mayabang, presko at sobrang in love at obsessed kay Happy (Heart Evangelista) sa Juan Happy Love Story.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Masyadong pamilyar ang surname ng pretty wife ni Joross, kaya nag-usisa ang press, at inamin niyang apo si Katz ni Pastor Apollo Quiboloy, at ninong nila sa kasal si Presidente Rodrigo Duterte. Kaya ang pabirong follow-up question sa kanya, hihingi rin ba siya ng puwesto sa gobyerno?

“Naku, hindi po, dito na lang ako sa pag-aartista ko at sa pag-aalaga sa aking mag-ina,” sagot ni Joross. “May family business din kami na magkatulong naming mina-manage ng daddy ko. Nagpapagawa rin kami ng sarili naming bahay, malapit din sa bahay ng parents ko sa Parañaque para daw madali nilang nadadalaw ang apo nila.”

Si Joross ay si Bob sa sexy-drama serye na dinidirihe ni LA Madridejos.

“Magkababata po kami ni Happy sa story at lahat gagawin ko makuha lang siya kay Juan (Dennis Trillo). Pero kahit anong gawin kong pagyayabang at pagpapakita ng yaman ko kay Happy, hanggang friends lang kami talaga.”

Baka si Agatha (Kim Domingo) ang makakatuluyan niya sa story?

“Hindi ko po nakikita ang sarili ko na magiging kami ni Agatha sa story dahil si Happy lang talaga ang mahal ko. Kami ni Agatha, friends lang at pareho naming obsessed na mapaghiwalay ang mag-asawang Juan at Happy. Saka wala pa rin namang sinasabi sa akin si Direk LA.”

After ng Juan Happy Love Story, babalik na ba siya sa kabilang network?

“Wala po namang sinasabi sa akin ang manager ko na babalik ako sa ABS-CBN. Dito pa rin po ako sa GMA dahil hindi pa man kami tapos ng aming serye, may bago na akong project na gagawin. Hindi ko pa po p’wedeng idetalye, pero masaya ako dahil iba naman itong susunod kong show,. First time ko po itong gagawin kaya excited na ako.”

Ang Juan Happy Love Story ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun. (Nora Calderon)