Luis-Manzano-and-Billy-Crawford1 copy copy

USAPANG bading ang isa sa mga naging topic sa solo presscon ni Billy Crawford para sa pelikulang That Thing Called Tanga Na under Regal Entertainment sa direksiyon ni Joel Lamangan.

 

Naitanong din sa wakas kay Billy kung aware ba sila ng kaibigan niyang si Luis Manzano na matagal na silang pinagdudahan na may namamagitang “something” dahil nga sa sobrang closeness nila at kung anu-ano ang pinaggagawa nila kapag magkasama sila sa entablado.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Pinagtawanan lang namin ni Luis ‘yon,” sagot ni Billy. “Mas lalo kaming naglalandian sa isa’t isa para mainis lang sila. We enjoy working together. Isa si Luis sa matalik kong kaibigan.”

 

Hind bading si Luis tulad ng sinasabi ng bashers nito dahil nga palapatol daw sa bashers sa social media, bagay na ikinatu-turn off ng karamihan.

 

“No! Kilala ko si Luis. Siya rin naman walang pakialam na pagdudahan siya. Kilala naman ninyo si Luis, di ba? No, not really. Hindi namin pinag-uusapan, actually,” sabi pa ni Billy.

 

Dedma naman din daw sila sa tsikang bromance sila.

“Not at all! ‘Pag secure ka, secure ka, di ba?” sabi pa ni Billy. (REGGEE BONOAN)