Ang sikat na programa sa telebisyon para sa sambayanang sabungero Bakbakan Na  ang punong-abala ngayon sa Pasig Square Garden sa paglalatag ng pinakahihintay na Bakbakan Na TV 1-cock, bullstag at stag ulutan fastest win.

Nakataya ang garantisadong premyo na P100,000 para sa mababang  entry fee  P600 at pinakamababang pusta na P3,300.

 Inaasahan naming hindi kukulangin sa 300 entry na magtatampok sa 150 sultada,” pahayag ni World Slasher Cup champion Joey Sy host at co-producer ng Bakbakan Na kasama ang dalawa pang host na sina  Eddie Boy Ochoa  at Edwin Saliba.

 Magsisimula ang ulutan sa ganap na 6:00 ng umaga, samantalang ang labanan ay mag-uumpisa sa 9:00 ng umaga.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!