Jodi at Jolo copy

NAKITANG magkasama sa Acqua Salon sa West Gate Alabang sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong isang araw.

May katibayang picture ng couple kasama ang isang employee ng salon kaya hindi puwedeng ipagkaila.

Ang sabi, nagkabalikan sina Jolo at Jodi, pero may mga nagsasabi namang hindi talaga naghiwalay ang dalawa at lumabas lang ang “break-up issue” dahil sa promo ng pelikulang Achy Breaky Heart ni Jodi kasama sina Ian Veneracion at Richard Yap.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nadismaya ang netizens kung totoong dahil lang sa promo ng pelikula kaya pinalabas na hiwalay na sila.

Mas nadismaya ang netizens kay Jodi dahil sa status nito, pumapayag pa raw sa mga ganoong gimik. (Nitz Miralles)