Itataya nina Rey Guevarra, Terrence Romeo at Jeric Fortuna ang skills championship title sa pagbabalik ng aksiyon bilang pampaganang programa sa PBA All-Star Friday sa Agosto 5, sa Smart Araneta Coliseum.

Tatangkain ni Guevarra na masungkit ang kanyang ikatlong Slam Dunk Competition trophy laban kina Moala Tautuaa ng Talk N Text, kasangga niya si Chris Newsome, James Forreste ng NLEX, Franklin Bonifacio ng Ginebra at ilang piling manlalaro mula sa PBA D-League.

Umaasa naman si Romeo na mapanatili ang kanyang titulo sa Three Point Shootout.

Susubukan itong pigilan ni Star ace shooter James Yap, ang last year’s runner up kasama sina Rain or Shine ace gunner Jeff Chan, San Miguel guard Alex Cabagnot, Alaska playmaker RJ Jazul, Jayjay Helterbrand ng Ginebra, Blackwater guard Almond Vosotros, Nino Canaleta ng Mahindra, Jared Dillinger ng Meralco, Garvo Lanete ng NLEX, Simon Enciso ng Phoenix at Talk N Text forward Troy Rosario.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nais ding panatilihin ni Jeric Fortuna ng San Miguel Beer ang kanyang korona sa Obstacle Challenge.

Kabilang sa kanyang mga challengers sina Ginebra rookie Scottie Thompson, San Miguel guard Chris Ross, Star pointguard Mark Barroca, Chris Banchero ng Alaska, Rain or Shine rookie Maverick Ahanmisi, Phoenix rookie Mark Cruz.

Blackwater guard Carlo Lastimosa, Mahindra guatd LA Revilla, Emman Monfort ng NLEX, Chris Newsome ng Meralco at TNT guard Jai Reyes.

Kabilang din sa magaganap sa All- Star Friday ang annual Blitz Game kung saan maglalaro ang mga legends, current PBA players, at D-League aspirants para sa koponan ng Greats vs Stalwarts.

Ang mga Greats ay bubuuin nina Maverick Ahanmisi, Kevin Alas, Anthony Semerad, at Ian Sangalang, mga D-League players Ed Daquioag, Mac Belo, Roger Pogoy, at Jonathan Grey, at mga greats na sina Noli Locsin, Bong Ravena, Johnny Abarrientos, at Paolo Bugia.

Makakatapat naman nila ang Stalwarts na binubuo nina Chris Banchero, LA Revilla, David Semerad, at Raymond Almazan, D-League stars Mike Tolomia, Russel Escoto, Carl Bryan Cruz, at Raphael Banal, at mga greats na sina Alvin Patrimonio, Nic Belasco, Ronnie Magsanoc, at Topex Robinson. (Marivic Awitan)