MARIAN copy copy

LABIS na ini-enjoy ni Marian Rivera ang episodes ng Yan Ang Morning ngayon na lumalabas sila ng studio at pumupunta sa iba’t ibang lugar.

“Mas masaya talaga iyong lumalabas ka ng studio,” sabi ni Marian. “I’m sure na ang mga guests na kinukuha namin masaya rin dahil parang nagiging outing nila kung minsan lalo na kung busy rin sila sa ibang taping nila sa GMA.

Kahit ako, isa ring magandang experience sa akin kapag pumupunta kami sa mga lugar na hindi ko pa rin napupuntahan at nakakasama naman ang ibang Kapuso stars sa bawat episode na gawin namin. At ang maganda, hindi namin iniiwan iyong mga ginagawa naming pagluluto sa studio. Kahit saan kami pumunta, natatapos iyon sa pagluluto ko ng food, hindi ko nga in-expect na makapagluluto ako ng adobong crocodile kahapon sa episode namin.”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Pero sa kabila ng halos araw-araw na taping, hindi nakakalimutan ni Marian ang duty niya bilang mommy ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia.

Nag-post uli si Marian ng picture ng anak nang mag-eight month old ito last July 23 na nilagyan niya ng caption na, “You’re really heaven sent...Happy 8th month Anak. Love you so much!” Natuwa ang netizens at nag-trending ang picture ni Baby Zia na umabot ng almost one hundred likes.

Patuloy pa ring bini-breast feed ni Marian ang baby nila ni Dong at hindi nagiging problema iyon sa kanya, kahit patuloy pa rin siyang nagti-taping ng Encantadia bilang si Ynang Reyna.

“Time management lang naman saka nariyan naman lagi si Dong para suportahan ako,” sabi niya.

Bukod sa dalawang show, live namang napapanood si Marian sa comedy variety show na Sunday Pinasaya na kasama niyang hosts sina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, at Alden Richards.