NGAYONG gabi sa Magpakailanman, bibigyang buhay ni Carla Abellana ang kuwento ni Gillien, isang babae na dinapuan ng “Alopecia Universalis”, isang rare disease na ang inaatake ay ang “hair follicles” kaya nalalagas at unti-unting nakakalbo ang mga nagiging biktima nito.

Makakasama ni Carla sina Rita Avila, TJ Trinidad, Alma Concepcion, Rey Abellana, Menggie Cobarrubias, Ashley Ortega, Rosanna Iringan, Pauline Mendoza, Koreen Medina, Yasser Marta, Franchesca Salcedo, Toby Santillan, Dave Borneo at may espesyal na partisipasyon si Abby Asistio. Ang episode na pinamagatang “Nang Mawala Ang Lahat” ay mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Napapanood ang Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern