DAVAO CITY – Naghahanap ang Davao City Police ng footage mula sa mga CCTV na nakakabit malapit sa lugar ng pagsabog ng granada, na ikinasugat ng limang katao, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson Senior Insp. Catherine dela Rey, tututok ang DCPO sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente.

“We will give update as soon as obtained,” sabi ni Dela Rey.

Nasugatan sa insidente sina Argie Seniel Balele, 29, treasurer ng Barangay Lamanan; Jayson Ambon Agiw, 20, ng Bgy. Tugbok; Jose Martel Entero, 44, ng Bgy. Toril; Juveto Cozepiriano, 30, ng Bgy. Tugbok; at Antonio Felix Jarantilla, 35, tanod ng Bgy. Lamanan.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Samantala, sinabi naman ni City Mayor Sara Z. Duterte na isolated case lang ang pagsabog.

“And we reassure everybody that there is no reason to worry about the security in Davao City,” aniya. “I have already ordered Police Supt. Michael John Dubria of the Davao City Police Office to conduct a thorough probe into the grenade blast.”

Isang motorsiklo ang dumikit malapit sa sasakyan ng barangay sa Lamanan sa Calinan District bago inihagis ang granada sa loob ng sasakyan.

Napaulat na alertong inihagis ng mga pasahero ang granada sa labas ng sasakyan, na ikinasugat ng mga nasa labas nito.

Ayon sa pulisya, iniimbestigahan nila ang napaulat na si Bgy. Lamanan Chairman Nicanor Pepito ang target sa pag-atake. (YAS D. OCAMPO)