CARRANGLAN, Nueva Ecija - Isang hindi pa nakikilang babae na pasahero sa isang Florida Bus ang nasawi samantalang 17 pang pasahero ang nasugatan makaraang aksidenteng mabundol ang bus ng isang Isuzu Forward truck sa Sitio Batsing sa Barangay Capintalan sa bayang ito, Miyerkules ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:30 ng umaga at nanggaling sa Sampaloc, Maynila ang Florida Bus (BVT-884) na minamaneho ni Michael Angelo Santos, 39, ng Bayombong, Nueva Vizcaya, nang mabangga ito ng truck (RCH-930) na minamaneho ni Michael Djick Gabbac y Dela Cruz, 33, ng San Mateo, Isabela, kasama ang helper na si Dodie Boy Valdez.

Nawalan umano ng preno ang nasabing truck, ayon kay Gabbac, na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog