Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- AMA vs Café France

6 n.g. -- Racal vs Tanduay

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Dikdikan hanggang sa huling segundo ang inaasahang labanan sa pagitan ng Racal at Tanduay sa tampok na laro ngayon sa 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Nais ng Tile Masters na panatilihin ang kapit sa solong liderato kontra sa pinakamainit na koponan na Rhum Masters sa ganap na 6:00 ng gabi, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kung magwawagi, tutuldukan ng Racal ang ambisyon ng Rhum Masters na maitala ang four-game winning streak.

Tangan ng Tile Masters ang bentahe sa Rhum Masters matapos magwagi, 96-90, sa unang pagtatagpo noong Hunyo 23 sa Bacoor, Cavite.

Mauuna rito, magtutuos ang defending champion Café France at AMA Online Education sa ganap na 4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Bakers na makabalikwas mula sa ikalawang kabiguan sa kamay ng Tanduay, habang hangad ng Titans na panatilihing buhay ang pag-asa sa semifinals.