JOEM, JUDY ANN AT LUIS copy

ISA sa mga kalahok sa Cinemalaya 20l6 ang Kusina, a comeback movie ni Judy Ann Santos pagkatapos niyang magsilang ng sanggol ilang buwan na ang nakalilipas.

Isang Palanca winner screenplay mula sa panulat ni Cenon Palamores, istorya ito ni Juanita na mahilig magluto at ang bawat putahe ay may napapaloob na kuwento tungkol sa mga mahal niya sa buhay.

Deglamourized si Juday sa Kusina at hindi niya kinailangang mag-reduce dahil ito ang hinihingi ng role; isang kusinerang may katabaan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa tunay na buhay ay magaling magluto si Juday at nagtapos ng pag-aaral sa culinary school. Nakaka-relate siya sa role kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Kusina ang setting ng istorya at maiiba lamang ito sa ending tanda ng paglaya ni Juanita. Pinatanda rin ang karakter ni Juanita, another first sa acting career ng aktres. Kabituin niya sa Kusina sina Joem Bascon, Luis Alandy at maraming iba pa.

Samantala, puspusan na ang pagpapayat ni Juday bilang paghahanda sa anumang alok na darating sa kanya. Napabalita kamakailan na may reunion movie sila ni Piolo Pascual at isang teleserye katambal si Richard Yap.

Sa Agosto idaraos ang 2016 Cinemalaya at hindi pa man ay hinuhulaang mahigpit niyang makakalaban si Nora Aunor na bida naman sa pelikulang Tuos. (REMY UMEREZ)