Nais ni Senator Grace Poe na idaan muna sa pagdinig ng Senate committee on public services ang problema sa trapiko bago magbigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Poe na suportado niya ang lahat ng hakbang para matugunan ang problema sa trapiko at ang tanging hangad niya ay mabatid mula sa Department of Transportation (DoT) at ibang may kinalamang ahensya kung ano ang pwedeng gawin bukod sa pagbibigay ng emergency power.

“The best course of action is to set the bill for public hearing as soon as possible so we can engage the Department of Transportation and all other stakeholders and experts,” ani Poe.

Nais namang tiyakin ni Senate Minority Leader Ralph Recto na nakatuon ang ibibigay na emergency powers sa mga impormasyon, programa at kontrata hinggil sa trapiko, alinsunod sa Freedom of Information, at higit sa lahat ay manaig ang proteksyon ng publiko.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

Nanawagan si Senator JV Ejercito sa agarang pagpasa sa Senate Bill No. 154, na nagbibigay ng emergency power sa Pangulo hinggil sa krisis sa trapiko.

“We consider the granting of special powers as an urgent measure,” aniya. (Leonel Abasola)