Vice Ganda copy

SAYA at aksiyon ang mapapanood gabi-gabi sa pagdadala ni Vice Ganda ng good vibes sa Ang Probinsyano na patuloy sa pagiging numero unong teleserye sa bansa.

Pagkatapos ng kanilang pagtatambal sa box-office hit na Beauty and the Bestie, sa telebisyon naman mapapanood ang kinagiliwang tandem nina Vice at Coco Martin na ikinatutuwa ng viewers ng action series.

Tutukan ang mga nakakatawang eksena kasama si Vice sa pagganap niya bilang si Ella, ang lider ng online scammers na nagpapanggap bilang mga babae upang makakuha ng pera mula sa foreigners.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Makakasama rin ng It’s Showtime host sa pagdadala ng katatawanan sa gabi ang mga komedyanteng sina Pooh at Chokoleit at Thou Reyes.

Pero inaabangan din kung ano nga kaya ang mga panganib na dala-dala ni Ella. Mapigilan kaya ni Cardo (Coco) na mahumaling kay Ella? Paano kaya masusugpo ni Cardo ang mga plano ng grupo ni Ella?

Bukod sa cyber scam, tampok din sa top-rating series ang kaso ng bawal na pagkatay ng aso na pinangungunahan ng mga karakter nina Emilio Garica, Manuel Chua, at Kiko Matos.

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.