Dapat imbestigahan ng pamahalaan ang mga katiwalian na kinasasangkutan ng local government units (LGUs), tulad na lang umano sa mga nagaganap sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Basilan Bishop Martin Jumoad, may ilang LGU ang hindi nagsusumite ng premium ng kanilang mga kawani, isa na dito sa Government Service Insurance System (GSIS).

Aniya, dahil dito may mga kakilala siyang tauhan ng gobyerno na nang magretiro at hanggang sa namatay ay hindi napakinabangan ang mga benepisyong nararapat sa kanila, dahil hindi nagbabayad ng premium ang munisipyo na kanilang pinagtrabahuan.

“Kailangan may political will, ’yung mga mayor, magandang magbigay ng report pero maraming mga tao na nag-retire ay hindi pa nakatanggap ng GSIS nila, ito ang katotohanan,” ayon sa Obispo.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Isa pa aniya sa dapat na paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang Internal Revenue Allotment (IRA), na natatanggap ng mga barangay.

“I hope the government must be honest and sincere, bring it to COA, maybe they are just waiting for the report,” ayon pa sa pari. (Mary Ann Santiago)