CAMP SANTOS, Calauag, Quezon – Ilang oras bago magdeklara si Pangulong Duterte ng unilateral ceasefire sa New People’s Army ay nagkaroon ng engkuwentro ang grupo sa mga tauhan ng 201st Infantry Brigade ng Philippine Army na ikinamatay ng isang rebelde sa Barangay de la Paz sa bayan ng Lopez, nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Col. Lenard T. Agustin, commander ng 201st Brigade sa Quezon, nagpapatrulya ang mga sundalo malapit sa mga cellular site at power transmission lines sa lugar nang bigla silang pagbabarilin ng mga miyembro ng NPA dakong 5:30 ng umaga.

Umabot sa 30 minuto ang bakbakan hanggang sa tuluyang umurong ang NPA, at iniwan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang rebelde at dalawang baril. (Danny J. Estacio)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar