JUDY ANN copy copy

SI Judy Ann Santos ang pinakabagong ambassador ng Sun Life Philippines at sa latest compaign nitong Money For Life.

Kaya bagamat hindi pa ito pelikula, natupad ang pangarap ng mga humihiling noon na magkasama uli sila ng project ng leading man niya noon na si Piolo Pascual na mahigit na walong taon nang endorser ng Sun Life.

Nabanggit ni Juday na maging noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay kumuha na siya ng insurance sa Sun Life.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noon pa raw kasi ay iniisip na niya kung paano mabibigyan ng proteksiyon at kasiguruhan ang kanyang pamilya.

Kaya kahit hindi pa kalakihan ang natatanggap niyang talent fee sa mga raket niya noon sa showbiz, gumagagwa siya ng paraan na makapagtabi ng kinikita niya para sa insurance niya at ng pamilya niya.

Kaya magpahanggang ngayon ay may ilang policy na si Juday sa Sun Life.

“Pati sina Yohan at Lucho, eh, meron na rin. Hinihintay na lang namin kung kailan puwede na naming ma-insure si Luna,” kuwento ni Juday.

Kailan naman nila susundan ang bunso nila ni Ryan Agoncillo?

“Bahala na ang Itaas. I mean, kung ipagkakaloob pa ng Diyos na magkaroon pa kami ng isa pang anak, eh, okey lang.

Pero kung forty-five na ako at hindi pa nasundan si Luna, eh, tama na siguro ‘yung tatlong anak na ibinigay sa amin,” sagot ni Mrs. Agoncillo.

Binanggit din ni Juday na hindi pa siya nakahandang magbabalik-teleserye. Kaya nagpapasalamat siya na hindi pa itinuloy ng Dreamscape ni Sir Deo Endrinal ang soap na pagtatambalan sana nila ni Richard Yap.

Dagdag pa ng aktres, hindi na bagay ang concept ng story para sa kanilang dalawa ni Richard. (Jimi Escala)