TARLAC CITY – Nakumpirma ng pulisya na sangkot sa droga ang lalaki na natagpuang patay at tadtad ng tama ng baril sa Tarlac River Dike sa Barangay Paninaan, Tarlac City.

Kinilala ni PO3 Benedick Soluta ang biktimang si Rolando Taruc, 43, ng Sitio Paroba 2, Bgy. Carangian, Tarlac City, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na ang bangkay ni Taruc ay nadiskubre ni Solamita Agustin, 40, basurera, ng Bgy. Paninaan, na patungo noon sa ilog para mangisda.

Nakarekober ang mga pulis sa lugar na kinatagpuan kay Taruc ng walong basyo ng bala at dalawang slugs ng .45 caliber pistol. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog