Sumuko sa Bureau of Immigration (BI) ang 78 overstaying at undocumented Vietnamese nationals, kung saan nakatakdang i-deport ang mga ito pabalik sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay dumulog sa BI noong nakaraang linggo at inasistehan na ng Vietnamese embassy sa Manila.

“We will deport them for being indigent aliens,” ani Morente.

Iisyuhan umano ng ‘declaration of indigency’ ang illegal aliens ng BI board of commissioners bago sila palabasin ng bansa.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Kasabay nito ay nanawagan si Morente sa iba pang overstaying aliens na gayahin ng sumukong 78 Vietnamese upang maiwasan ang pag-aresto at pagkakulong.

“We assure them that they will immediately go back to their homeland and not suffer the agony of being detained in our detention facility,” dagdag pa ni Morente.

Nabatid na karamihan sa Vietnamese ay dalawa hanggang tatlong taon nang nasa bansa at walang kaukulang dokumento.

Nasa buy and sell business ang mga ito sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. (Jun Ramirez)