Meg Imperial wins P1 million in Minute to Win It copy

SA unang linggo pa lang ng nagbabalik na Kapamilya game show na Minute to Win It ay nakapagbigay agad ito ng jackpot prize na P1 milyon na napanalunan ni Meg Imperial nitong nakaraang Biyernes.

“Sobrang thankful ako. Hindi ko akalain na mananalo ako ng one million kasi sabi ko, i-enjoy-in ko lang ‘to kasi first time kong ma-invite dito, at ito pa ang nangyari,” pahayag ni Meg.

Para sa kanyang Ultimate Challenge, kinailangang makumpleto ni Meg sa loob ng isang minuto ang challenge na Office Fling, na gagawing tirador ang goma na nakakabit sa nakatumbang upuan para maipatong ang tatlong piraso ng papel sa isang mesa.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nag-uwi si Meg ng total cash prize na P1,070,000 matapos makatapat sa Head-to-Head Challenge si Kiko Matos.

Mainit namang tinanggap ang pagbabalik ng pinaka-exciting na game show sa bansa, ayon sa data ng Kantar Media. Panalo ang pilot episode nito noong Lunes (Hulyo 18) at nagtala ng national TV rating na 16.8% laban sa Wowowin ng GMA (12.8%).

Sa buong linggo, tuluy-tuloy ang pagtaas nito sa ratings at consistent na nagwawagi laban sa kalaban nitong programa.

Huwag palampasin ang Minute to Win It simula Lunes hanggang Biyernes ng gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minutetowinitPH o sundan ang @MinutePHL sa Twitter.