McNeal, Coco at Simon copy

DIRETSAHANG inamin ng child actor na si McNeal Briguella na tinatawag pa ring si Aura at gumaganap ngayon bilang si Makmak na sparring partner ni Onyok (Simon Pineda) sa number one primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano na sa totoong buhay ay crush talaga niya si Coco Martin.

Alam ng lahat na mga nakakilala kay McNeal na isa siyang gay. Inaamin niya na as early as three years old ay alam na niyang kabilang siya sa third sex. At ngayon nga ay twelve years old na si Aura.

“No’ng una, crush ko talaga siya, pero nang tumagal na, eh, naging hindi na, kasi iniisip ko sa kanya, parang totoong kuya ko, kasi siya ang nagbigay sa akin ng trabaho,” banggit ni McNeal.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Natawa si Coco sa pag-amin ni Makmak at kuwento ng actor, noong una raw ay hindi talaga nakakaarte si McNeal pero naintindihan naman daw nila ‘yun kasi wala pa itong acting experience.

“Ngayon naman, eh, parang napapansin na nilang marunong na akong umarte at kahit papaano, eh, nakakasabay na rin naman sa ipinapagawa sa akin ng director at ni Kuya Coco,” natatawang banggit ni McNeal.

Samantala, walang tigil ang magagandang feedback sa FPJ’s Ang Probinsiyano, kaya hindi kataka-taka na mas nagpursige ang mga taga-Dreamscape Entertainment para lalo pang pagandahin ang serye at pananatilihin ang pagiging top-rater nila.

At ang latest na nakarating sa amin ay ipapasok na ang karakter ni Vice Ganda kaya tiyak na lalong magpapakabog sa kalaban, huh!