Piolo-Pascual2 copy copy

PAGKATAPOS ng dalawang buwang pamamahinga sa abroad, nagbalik-Pilipinas na si Piolo Pascual at agad humarap sa prescon ng “Money For Life” campaign ng Sun Life Financial. Itinanong namin kay Papa P kung okey lang sa kanya ang sumalubong na balitang madalas kasama ng anak niyang si Iñigo Pascual ang Filipina-British GirlTrends member na si Kelley Day.

“Na-meet ko na nu’ng Star Magic Games, mabait naman siyang bata. She’s very respectful and very responsible din at nakikita kong very sincere siya at ‘yun naman ang importante,” sagot ng Kapamilya actor.

Kung happy si Piolo sa love life ni Iñigo, masaya na rin kaya siya sa love life rin ngayon ng dating kasintahan niyang si KC Concepcion with Aly Borromeo?

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“Well, I’m happy for her. I always pray for her happiness din naman. It’s good that there’s someone who is taking care of her and I’m just really happy for KC,” sagot ng premyadong actor at idinagdag na “in good terms” na sila ni KC ngayon.

“We’ve talked din naman and we exchanged messages sa text. Walang problema and we’re good,” ani Piolo.

Ipinagmamalaki ni Piolo ang pag-aaral niya ng Apologetics sa Oxford sa United Kingdom. Nag-enjoy daw siya sa pagiging estudyante niyang muli.

“Masarap maging estudyante ulit. You get to learn new things and you get to apply it in your life, ‘yung knowledge na nakukuha mo. Ang ganda kasi meron kang p’wedeng magtanong and ang sarap mag-take down ng notes,” napatawang banggit pa ng magaling na actor.

Iba’t ibang magagaling na pastor ang mga naging speaker nila sa naturang pag-aaral niya. May balak din ba siyang pasukin ang pagiging pastor?

“Well, I’ve always wanted to be a pastor. I guess it’s just that my calling is just be here in showbiz. Kaya for now I am putting it aside dahil I guess p’wede mo namang gamitin ‘yung influence mo sa field mo,” lahad pa rin ni Papa P.

Noong pinasok niya ang pagiging Christian, nabanggit na niya sa kanilang pastor na pangarap din niyang maging tagapagpahayag ng mga salita ng Diyos.

“Sabi sa akin ng pastor na, ‘No, kailangan namin ng mga katulad mo sa showbiz. So, mas mahirap ‘yung temptation pero sa awa pa rin naman ng Diyos, eh, nandito pa rin tayo sa pelikula at telebisyon,” kuwento pa ni Piolo.

Inamin niya na sinubukan na rin niyang talikuran ang showbiz pero na-realize niya na ito talaga ang mundo niya, ito ang buhay at ang trabahong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Kaya back to work na naman siya, hindi lang bilang endorser ng Sun Life kundi pati na rin bilang producer ng pelikula. Katatapos lang ng meeting niya sa Regal Films producer na si Roselle Monteverde with Manny Valera, Erickson Raymundo, Dondon Santos at Joyce Bernal para sa pakikipagsosyo nila sa isang bonggang movie, huh! (JIMI ESCALA)