MARAMI na ang nag-aabang sa paglabas ni Conan Stevens sa Encantadia at inaabangan din kung ano ang magiging role niya.
Hindi sinabi sa presscon ng fantaserye ang gagampanang role at pati magiging pangalan niya.
Ang sabi, kabilang si Conan Stevens sa kaharian ng Sapiryan, “a race who lived by the borders of mountains in Encantadia.” Enchanta rin daw ang magiging salita niya at isa ito sa nagpapa-excite sa sumusubaybay sa fantaserye.
Kung kailan lalabas ang karakter ni Conan Stevens, hindi pa sinasabi, pero nakakuha kami ng picture niya na naka-costume.
Samantala, hit sa Encantadiks ang Encantadia Blast na inilabas last Friday at mada-download ito sa Google Play. Pati ang cast ng fantaserye ay naglalaro nito. Every stage ng game ay may info tungkol sa mga karakter ng Encantadia, kaya nakakaaliw. (Nitz Miralles)