Sa kabila ng sunud- sunod na kabiguan ng koponan sa nakalipas na dalawang conference, hindi pa rin nagbabago ang mainit na pagtangkilik ng mga fans sa Barangay Ginebra.

Patunay ang resulta ng isinagawang botohan ng para sa gaganaping PBA All-Star Game.

Kabuuang lima sa 10 starter para sa magkabilang koponan na maghaharap sa All -Star Game ang nagmula sa Barangay. Nakatakda ang all- Star Weekend sa Agosto 7, sa Smart-Araneta Coliseum.

Ibinoto ng mga fans para pangunahan ang South All-stars sina Gin Kings big man Greg Slaughter, forward Joe Devance at rookie playmaker Scottie Thompson. 

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Makakasama nila sa starting line-up ng South sina two-time MVP at San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo, at Star Hotshots shooter James Yap.

Para sa North All-Star, ibinoto ng mga fans ang beterano na si Mark Caguioa kasama si Japeth Aguilar, Globalport guard Terrence Romeo, Hotshots’ defensive specialist Marc Pingris, at ang Alaska offensive beast na si Calvin Abueva.

Itinalaga naman bilang headcoach ng North team si Rain or Shine head coach Yeng Guiao, habang si Beermen coach Leo Austria naman ang gagabay sa South team. - Marivic Awitan