olympics copyRIO DE JANEIRO (AP) — Handa man o may pagkukulang pa, binuksan na ng Rio Olympics Organizing Committee ang pintuan ng Athletes Village.

Nagsimula nang mapuno ang Athletes Village matapos ang opisyal na pagdating ng mga kalahok nitong Sabado (Linggo sa Manila). Nakatakda ang opening parade sa Agosto 5, sa Maracana Stadium.

May kabuuang 10,500 atleta at 7,000 staff member ang inaasahang mamamalagi sa Village sa susunod na 15 araw ng tinaguriang “Greatest Show“ sa mundo.

“I want to help all the athletes have a wonderful welcome to Brazil,” pahayag ni Priscilla Antonello, residence center deputy manager na siyang mangangasiwa sa accommodation ng mga kalahok.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kabilang sa mga atletang makakaharap niya ang mga superstar tulad nina basketball player Kevin Durant at sprint champion Hussain Bolt. Ngunit, iginiit niyang hindi sila magpapadala sa kanyang damdamin.

“I couldn’t be in this job if I behaved like that,” aniya.

Binubuo ng 13 gusali, magagamit din ng mga atleta ang world class facility tulad ng kitchen, lobby, athletes room, cafeteria, at swimming pool.

Sa kasalukuyan, ang Team Slovenia ang may pinakamagandang banner na naka-display sa Village. Nakalimbang ang salitang “I Feel sLOVEenia,” habang nakabitin ang banner na may nakasaad na “All for Denmark” sa lugar para sa kanilang koponan.

Ayon sa organizers, ang Village ay may 10,160 kuwarto, 18,000 kama, pitong labahan, hospital-like clinic at gym.

Nakahanda rin ang 450,000 condom, kabilang ang 100,000 para sa kababaihan para sa mga kalahok.

Anila, hindi nila kinukunsinti ang mga atleta sa pakikipagniig, ngunit bahagi ito para sa kanilang kampanya na makaiwas sa anumang uri ng sakit na nagmumula sa pakikipagtalik tulad ng Zika virus.