Sunud-sunod na pinaputukan ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police ang matinik na magnanakaw sa EDSA na gumagamit din umano ng ipinagbabawal na droga matapos nitong manlaban sa ikinasang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na suspek na si Jesus “Chit” Ecleo, walang trabaho, residente ng Calbayog St., Highway Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Police Chief Superintendent Romulo Sapitula, EPD Director, ikinasa ang buy-bust operation sa pagsasanib-puwersa ng Mandaluyong City Police at operatiba ng EPD kabilang na ang SWAT, at warrant units.

Inamin ni Sapitula na target ng kanilang operasyon ang suspek.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Aniya, maraming kasong isinampa laban kay Ecleo kaugnay sa mga kaso ng pagnanakaw sa EDSA.

Noong nakaraang linggo, may dalawang drug suspect ang napatay ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon na kinabibilangan ni Ecleo.

Bukod pa riyan, arestado ang pitong wanted sa isinagawang EPD simultaneous district-wide operations noong Biyernes.

Ngayong Linggo, mahigit 3,000 katao na sumuko sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’ ang sasailalim sa mandatory Zumba exercise sa Marikina, Pasig, San Juan, at Mandaluyong.

“Dancing Zumba is one of the rehabilitation programs of EPD in cooperation with the local government unit for the drug users and pushers who voluntarily surrendered. There are several benefits Zumba can give to our body, it burn fats and calories; improves body coordination; and boosts self-confidence, among others. Other than Zumba exercises, on the following weeks, they will also be doing community services such as clean-up drive; bible study, and anti-drug abuse lecture,” pahayag ni Sapitula. (Jenny F. Manongdo)