Kapag tuluyang tinanggihan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging special envoy sa China, si dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III ang papalit sa una.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa harap ng tropa ng Army 6th Infantry Division (6ID) sa Camp Siongco, Maguindanao.

“Kung magsabi si President Ramos na ‘di na niya kaya, I’ll appoint Alunan. Mahusay ‘yon,” ani Duterte. Si Alunan ay Air Force reserve officer na may ranggong colonel.

“Yun na lang ang pampalit. He knows his business,” dagdag pa ng Pangulo.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Nauna rito, magugunitang inatasan ni Pangulong Duterte si Ramos na umpisahan na ang pakikipag-usap sa China, matapos ang landmark ruling ng UN Permanent Court of Arbitration sa maritime case na inihain ng bansa laban sa China, kung saan pumapabor ito sa Pilipinas.

Sa pakikipag-usap sa China, hindi umano opsiyon ang giyera, sa halip ay inaasahan ang payapang usapan.

Samantala mistulang nagdadalawang-isip ang dating Pangulo sa nasabing posisyon dahil na rin sa edad nito.

Samantala muling pinitik ni Duterte ang China sa South China Sea.

“Gusto kong sabihin sa kanila, kunin mo na Indian Ocean, Pacific Ocean pati Atlantic Ocean, iyo na. Kinuha na lahat,” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, may sapat na resources ang Pilipinas. “There is enough land. There is enough oil. Maski na sabihin mo makipag-away ang China. Inyo na ‘yan mas marami pa kami dito, hindi lang nila alam.” (Elena L. Aben)