APTOPIX Germany Munich Shooting

MUNICH (AP) – Sampung katao ang nasawi at 16 ang nasugatan sa mataong shopping mall ng Munich matapos magpaulan ng bala ang 18-anyos na German-Iranian, ayon sa chief of police ng kabisera ng Bavarian.

“The question of terrorism or a rampage is tied to motive, and we don’t know the motive,” sabi ng Munich police chief na si Hubertus Andrae.

Hindi pinangalanan ng pulisya ang shooter at isinasantabi pa ang anggulo ng terrorismo sa pag-atake na naganap noong Biyernes ng gabi.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Samantala, nagpadala ng smartphone alert ang lungsod sa mamamayan nito na nagdeklara ng “emergency situation” at pinapanatili ang mga tao sa loob ng bahay, habang pinahinto ang lahat ng operasyon ng tren at subway habang hinahanting ang suspek.

Pagkalipas ng ilang sandali, narekober ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang responsable sa pamamaril sa mall. Sinabi ng pulisya na may posibilidad na mag-isa lang na kumilos ang suspek sa mall, at kasunod nito ay ang pagpapatiwakal nito.