Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

3 n.h. -- Meralco vs Talk N Text

5:15 n.h. – ROS vs Phoenix

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Ikatlong dikit na panalo na magpapatatag ng kanilang pamumuno ang target ng kasalukuyang lider na Meralco Bolts sa pakikipagtuos sa sister team Talk ‘N Text sa unang laro ng double header ngayon sa 2016 OPPO-PBA Governors Cup, sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos pataubin ang Phoenix sa kanilang laban noong opening day, pinanindigan ng Bolts ang pagiging pre- tournament favorite matapos gapiin ang Alaska sa ikalawa nilang laban, 100-96.

Nagtala ng all around performance na kinabibilangan ng 36 na puntos, 15 rebound, anim na assist at tatlong steal si import Allen Durham upang pamunuan ang Bolts sa matikas na simula.

Para sa kampo ng Texters, sisikapin nilang magamit na momentum ang naitalang 101-98 overtime win kontra Rain or Shine para sa target na ikalawang dikit na tagumpay.

Naglatag ng 11-0 run na tinampukan ng winning 3- point shot ni Jayson Castro ang Texters para burahin ang siyam na puntos na bentahe ng Elasto Painters sa final stretch ng fourth period.

Samantala sa tampok na laban, unahan namang makapagtala ng tagumpay ang Phoenix Fuel Masters (0-2) at ang Elasto Painters (0-1).

Pipilitin ng Fuel Masters, sa pamumuno ni import Marcus Simmons, na makaiwas sa ikatlong sunod na kabiguan habang magsisikap namang bumawi ng Painters sa pagkatalong nalasap kontra Bolts sa pangunguna ni import Dior Lowhorn.

(Marivic Awitan)