PAREHONG mending a broken heart daw ang artistang ex-couple na matagal nang naghiwalay pero kamakailan lang nabalita dahil hindi sinasadyang naitanong sa isang showbiz event.

“Nakakapagtaka nga kung bakit sila naghiwalay, eh, wala naman silang isyu kung tutuusin, okay sila, both family pa, siguro naapektuhan sa seven years,” kuwento ng aming source.

Hindi namin naintindihan ang sinasabing seven years kaya nag-usisa kami.

“Seven years gap, di ba may kasabihan na kapag may agwat na seven years sa magkarelasyon hindi magtatagal o parang may kinatatakutan sila?

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

“Pero since pareho naman nilang dinisisyunan na maghiwalay sila at busy naman sila pareho sa kanilang respective careers, eh, siguro test din sa kanila.

“Pero feeling ko, sila pa rin in the end kasi mahal naman nila ang isa’t isa saka pareho silang nasasaktan, ‘no!”

kuwento ng source.

Oo nga, naging saksi rin kami kung gaano kamahal ng ex-couple ang isa’t isa dahil kahit saang lugar pumunta ang girl ay nakasunod si boy, kesehodang delikado ang lugar na pinuntahan. At take note, Bossing DMB, walang kasamang alalay o bodyguard ang guy dahil katwiran niya, ‘kung oras mo, oras mo na.’

Oo nga naman at saka wala rin namang nababalitaang kaaway ang guy kaya hindi siya takot lumakad mag-isa.

Sana nga magkabalikan ang ex-couple kasi boto kami na sila ang magkatuluyan. (Reggee Bonoan)