Hulyo 22, 1933 nang dumating pabalik ang piloting si Wiley Post sa FloydBennett Field sa Brooklyn, New York. Mag-isa lamang siyang lumipad at naglakbay sa buong mundo sa loob ng pitong araw, 18 oras, at 49 na minute, siya rin ang unang tao na mag-isang nakatapos sa solo circumnavigation sa pamamagitan ng hangin. Gumamit din ng makabagong teknolohiya ang nasabing paglalakbay.

Sa kanyang paglalakbay, nagtungo siya sa Berlin, Germany nang walang katapusan. Hindi nagtagal ay nagpunta siya sa Soviet Union, at huminto sa iba’t ibang lugar doon, at muling lumipad pabalik sa North America.

Sa edad na 15, dumalo si Post sa isang county fair, na naging inspirasyon niya para maging piloto.

Makalipas ang siyam na taon, isang barnstormer ang nagsabing siya ang hahalili sa sugatang skydiver, at ipinakita niya ang iba’t ibang pagtalon. Aksidenteng nabulag ang kaliwang mata ni Post sa oil fields.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Hindi nagtagal ay sumikat si Post nang siya’y lumipad, kasama ang aviator na si Harold Gatty, patungong Northeren Hemisphere noong 1931.