LIPA CITY, Batangas - Sugatan ang isang ginang matapos siyang masaksak sa hita ng sarili niyang asawa nang awatin niya ito sa pagpatay sa isang lalaki sa Lipa City, Batangas.

Isinugod sa Lipa City District Hospital ang 29-anyos na si April Lindog, ng Barangay Pinagkawitan, Lipa, matapos magtamo ng saksak sa kanang hita.

Tumakas naman si Jeffrey Lindog makaraang mapatay sa saksak si Dionisio Rullan, 49, liaison officer ng SFM Mitsubishi, at kalugar ng mag-asawa.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:20 ng gabi nitong Miyerkules nang pagsasaksakin ni Jeffrey si Rullan nang magkita sila sa isang lomihan sa Pinagkawitan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinangka umanong awatin ni April ang asawa, pero nasaksak din siya nito sa hita.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Rullan. (Lyka Manalo)