Umabot na sa 1,270 drug pusher at user mula sa 33 barangay sa Valenzuela City ang sumuko, simula nang ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “Oplan Tokhang”, ayon kay P/ Sr. Supt. Ronaldo R. Mendoza.

“Halos araw-araw po ay nasa 50 drug personalities ang sumusuko dito sa istasyon,” sabi ni Mendoza.

Umaasa ang mga sumuko na tutuparin ng lokal na pamahalaan ang pangako na bibigyan sila ng hanapbuhay. Anila, ang kawalan ng trabaho ang nag-udyok sa kanila na magtulak ng ilegal na droga para mabuhay ang kanilang mga pamilya.

(Orly L. Barcala)

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?