SYDNEY (AP) – Isang flight mula Sydney patungong Thailand ang napilitang lumapag sa Indonesia upang pababain ang anim na magugulong pasahero.

Sinabi ng Jetstar sa isang pahayag noong Huwebes na ang Flight JQ27 nito ay napunta sa Bali noong Miyerkules ng gabi matapos anim na magkakasamang pasahero patungo sa tourist island ng Phuket ang naging “extremely disruptive among themselves’’ at binalewala ang pakiusap ng crew.

Sinabi ng Australian budget airline na isinuko nila ang mga pasahero sa Indonesian police sa Denpasar Airport bago nagpatuloy sa paglipad sa Phuket.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo