GERALD AT ARCI_pls crop copy

SA unang pagkakataon, ipapalabas sa Philippine digital TV ang hit Star Cinema rom-com na Always Be My Maybe nina Gerald Anderson at Arci Muñoz sa Kapamilya Box Office (KBO) ng ABS-CBN TVplus kasama ang apat pang pelikula ngayong weekend (Jul 23-24).

First-ever project nina Gerald at Arci ang Always Be My Maybe na tungkol sa dalawang heartbroken strangers na mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Mapapanood din ang One More Try, Ded Na Si Lolo, 100 Feet, at So Undercover. At may pagkakataon pang mapanood din ng buong pamilya ang nakakantig na mga kuwento ng MMK, Dolce Amore, at ang Myx.

Ang Kapamilya Box Office (KBO) ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdaragdag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinapalabas sa halagang P30.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO.

Nang ilunsad noong nakaraang taon ang ABS-CBN TVplus, naging susi ito para maranasan ng mga Pilipino ang digital TV na mas malinaw ang panonood ng telebisyon gamit ang digital signal transmission. Bukod sa exclusive channels, nakakasagap ang ABS-CBN TVplus box ng signal mula sa ibang channels na naka-broadcast in digital. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company sa bansa na nanguna sa pagpapakilala at paggamit ng digital TV. 

Para todo-todo ang bonding ngayong Sabado at Linggo, mag-load lang ng P30 sa ABS-CBNmobile prepaid SIM at gamitin ito upang mag-register by texting KBO30 JULY23 TVplus box ID at i-send sa 2131. I-press lamang ang INFO button sa TVplus remote control para malaman ang seven-character TVplus box ID.

I-activate ang KBO sa 7th channel ng TVplus by pressing the SCAN button sa TVplus remote control. Para sa remote control na walang SCAN button, i-press lamang ang MAIL button. Makikita ang KBO artcard sa 7th channel pagkatapos mag-scan.

Sa TVplus users na wala pang ABS-CBNmobile prepaid SIM, available ito sa halagang P30 sa SM store and 7-Eleven branches, telco tiangges, o maaaring mag-text ng SIM DELIVERY sa 23661. 

Makakabili naman ng ABS-CBN TVplus boxes na may kasama nang ABS-CBNmobile prepaid SIM sa lahat ng accredited retail outlets, sales agents,

at dealers sa abot-kayang one-time payment na P1,999. Wala na itong monthly o installation fee. 

Samantala, makakabili ng load para sa ABS-CBNmobile SIM sa SM Store, SM Savemore, 7-Eleven, Cebuana Lhuillier, Generika at sari-sari stores or telco tiangges na may autoload max. 

Mapapanood ang Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City at Cagayan de Oro. 

Mag-movie bonding na sa commercial-free movie marathon sa Kapamilya Box Office. Para sa karagdagang impormasyon sa weekly movie line-up, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook. Maaari ring mag-text ng KBO HELP sa 23661 para sa mga katanungan.