Sa harap ng bumibisitang congressional delegation ng Estados Unidos, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipagpapalit ang territorial rights ng bansa sa China.

Ang nasabing pahayag ay binanggit ni U.S. Senator Chris Murphy ng Connecticut, kung saan siniguro umano ng Pangulo sa kanila na ang landmark decision ng UN arbitral court na pumapabor sa Pilipinas ay non-negotiable.

Ayon kay Murphy, ang pagseguro ay binanggit ng Pangulo sa kanilang pulong sa Malacanang noong Martes. “We were first elected officials to meet with Duterte. Says he will not trade territorial rights to China. Tribunal decision non-negotiable.” Ito ang post sa Twitter ni Murphy.

Bukod kay Murphy, kasama rin sa delegasyon sina Sen. Brian Schatz ng Hawaii, Rep. Ted Deutch, Rep. Donna Edwards, at Rep. John Garamendi. Sinamahan sila sa Malacanang ni US Ambassador Philip Goldberg.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Dumalo din sa pulong sina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. (Elena L. Aben)