Ariadna copy

BUMABAWI ang nabigong beauty queen.

Nabigyan ng malaking papel ang Miss Colombia 2015 na si Ariadna Guttierez sa pangatlong kabanata ng xXx na The Return of Xander Cage. Gaganap ang beauty queen bilang Gina Roff, na love interest o leading lady ni Vin Diesel o Xander Cage, sa pelikula.

Ipapalabas sa Enero 2017, ito ang magsisilbing debut ng beauty queen sa pag-arte. Kasama rin sa pelikula ang iba pang mga sikat na artista tulad nina Nina Dobrev, Samuel Jackson, at Ruby Rose. Ang unang xXx ay ipinalabas sa sinehan noong 2002, at sinundan noong 2005.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Lumaban si Ariadna sa Miss Universe noong 2015 at tinanghal na first runner-up. Naging kontrobersiyal ang kanyang pagkakapanalo dahil sa pagkakamali ng Miss Universe host na si Steve Harvey. Napagkamaliang ihayag ni Harvey na si Ariadna ang nanalo ng Miss Universe title sa halip na si Pia Wurtzbach na kumatawan sa Pilipinas, ang tunay na nagwagi.